- Anong ginawa mo nitong taon na kailanma'y 'di mo pa nagagawa?
- Napanatili mo ba ang iyong mga pangako noong bagong taon?
- May nanganak bang malapít sa'yo?
- May sumakabilang-buhay bang malapít sa'yo?
- Ano-anong lungsod/estado/bansa ang iyong dinayo?
- Ano ang nais mo makamit sa kasunod na taon na nagkulang nitong taon?
- Anong (mga) petsa sa taóng ito ang tiyak na mananatili sa iyong ala-ala, at bakit?
- Ano ang iyong pinakamalaking tagumpay ng taon?
- Ano ang iyong pinakamabigat na kabiguan?
- Ano-ano pang mga pagsubok ang iyong hinarap?
- Ikaw ba'y nagkasakit o nasugatan?
- Anong bagay na iyong binili ang pinakatumatak?
- Kaninong ugali ang nararapat ipagdiwang?
- Kaninong ugali ang iyong ikinapanlumo?
- Saan mo pinakaginugol ang salapi mo?
- Ano ang talagang lubusang nakapagpukaw sa'yo?
- Anong awitin ang makapagpapaalala sa taon na ito?
- Kung paghahambingin ang ngayon at ang kaparis sa nakaraang taon, ikaw ba'y: sumaya o lumungkot? pumayat o tumaba? yumaman o humirap?
- Anong nais mong sana dinagdagan mong gawin?
- Anong nais mong sana binawasan mong gawin?
- Ano ang mga gagawin mo sa bakasyon?
- Umibig ka ba nitong taon?
- May tao ka bang kinasusuklaman na sa nakaraang taon ay hindi naman?
- Anong nakahiligan mong palabas?
- Anong binasang aklat ang pinakatumatak sa'yo?
- Anong tugtugin na iyong natuklasan ang pinakatumatak nitong taon?
- Anong nakahiligan mong pelikula?
- Anong nakahiligan mong kainin?
- Anong ninais mo at iyong nakuha?
- Anong ninais mo ngunit 'di nakuha?
- Anong ginawa mo sa kaarawan mo?
- Anong isang bagay ang labis pa sanang makapagpapasaya sa iyong taon?
- Paano mo mailalarawan ang pansariling kasuotan mo nitong taon?
- Anong nakapagpanatili sa iyong katinuan?
- Sinong taong sikat ang pinakahinangaan mo?
- Anong isyung pampolitika ang umudyok sa'yo?
- Sinong pinangungulilaan mo?
- Sino ang bago mong nakilala na pinakatumatak sa'yo?
- Ano ang pinakamahalagang natutuhan mo sa buhay nitong taon?
- May kasabihan bang akmang-akma sa naging taon mo?